Metro Dagupan Chamber of Commerce, naniniwalang may nagmamanipula sa produktong bawang

Posible umanong may nagkokontrol o may nagmamanipula sa produktong bawang kaya’t tumataas ang presyo ng bawang sa merkado.

Ito ang sinabi ni Executive Vice President Metro Dagupan Chamber of Commerce – Pangasinan Chapter Andrei Abalos hinggil sa tunay na dahilan kung bakit bigla ang pagtaas ng presyo ng bawang sa mga pamilihan.

Ngunit iginiit ni Abalos na hindi kasalanan ng mga magsasaka ang nasabing pagtaas kundi ito ay kagagawan na ng mga traiders sa pagsasabing may shortage sa supply upang tumaas ng demand at presyo nito.

Sa ganitong sitwasyon, dapat umanong ipatupad ang commodity price control kung masyado nang mataas ang presyo ng isang produkto.

Suhesyon naman ni Abalos na dapat may tamang projection ang bansa sa needs and demand ng bawang sa loob ng isang taon kasama na mababawas dito bunsod ng mga calamities, na siya lamang dapat punan ng mga imported na mga produkto.

Speak Your Mind

*