Mga akusado sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa pork barrel scam bawal na lumabas ng bansa

Bawal na ring makalabas ng bansa ang iba pang akusado sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Ito’y matapos magpalabas ng Hold Departure Order ang Sandiganbayan third division laban kina Senador Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes, Janet Lim Napoles at iba pa.

Ayon sa Clerk of Court ng third division, 19 ang inilabas na hdo laban sa 47 akusado sa mga kaso.

Nagpalabas  din ang Sandiganbayan first division ng HDO kay Senador Ramon Bong Revilla, tauhan nitong si Richard Cambe, Ronald John Lim at John Raymund De Asis.

Una nang nagpalabas ang Sandiganbayan fifth division ng HDO laban kay Senador Jinggoy Estrada at 12 iba pa.

Speak Your Mind

*