Mga dokumento ng pamilya Napoles, dapat sipating mabuti

Hiniling ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na sipating maigi ang mga dokumento ng pamilya Napoles.

Ito ayon kay Barzaga ay para maberepika kung maaaring habulin sa tax cases ang lahat ng nakinabang ng katas ng multi-bilyong pisong pork scam.

Sinabi pa ni Barzaga na nagkaroon na ng pag-amin kaugnay sa mga dumaan na pondo at nagkaroon pa ng computation kung magkano ang kita sa pork scam.

Kinakailangan aniyang masiyasat ng BIR ang pamilya Napoles gayundin ang lahat ng kanilang Non Government Organization upang matukoy kung sinu-sino ang kanilang naka-transaksiyon.

Speak Your Mind

*