Mga magsasaka sa Pangasinan, hinihikayat ng bumalik sa organikong pagsasaka

Hinihikayat ngayon ng Pangasinan Provincial Government ang mga magsasaka na bumalik sa paggamit ng organikong pagsasaka, kasabay ng pamamahagi ng mga farm inputs sa mahigit isang libong magsasaka sa sampung bayan ng Eastern Pangasinan.

Ayon kay Pangsinan Governor Amado Espino Jr., kailangang maturuan ang mga pangasinense ng orkanikong pagsasaka at nais din ng gobernador na maramdaman ng mga magsasaka ang suporta ng provincial government sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa kay Dalisay Moya, ang OIC ng Provincial Agriculture Office, ang singkwenta porsyento sa halaga ng farm inputs na umaabot sa P8,060 kada ektarya, ay sakop ng subsidiya mula sa probinsya at ang kalahati nito sa halagang P4,030 kada ektarya ay nagiging pautang o loan na may interest rate na 1.5% kada buwan at babayaran ito sa loob ng limang buwan.

Hinihikayat ng Governador ang mga magsasaka na bayaran ang mga utang sa takdang panahon para magagamit din ito ng mga iba pang magsasaka.

Speak Your Mind

*