Mga magsasaka sa Rehiyong uno, hihikayatin na muling magtanin ng bawang

Pinag-aaralan na ni SINAG at ABONO Partylist Chairman Engr. Rosendo So, na hikayatin ang mga magsasaka sa Rehiyong Uno na muling magtanin ng bawang sa kanilang sakahan.

Ayon kay So, ito ay upang hindi ang mga imported na bawang ang nangungunang produksyon sa merkado na nagiging dahilan pa ng pagtaas ng presyo nito.

Sinabi naman ni So na hindi lahat ng mga magsasaka ay dapat magtanim ng bawang upang hindi mauwi sa pagkalugi kasaling bumagsak ang presyo nito sa mga pamilihan.

Nabatid na simula noong 1990, tumigil na sa pagtatanim ng bawang ang mga magsasaka sa Region 3 at 4 dahil sa naranasang pagkalugi at tanging ang lalawigan na lamang ng Ilocos ang natirang nagtatanim ng bawang kayat mas dumagsa ang mga imported na bawag sa merkado.

Speak Your Mind

*