Mga nagyayaring karahasan sa Pangasinan, malaking hamon sa hanay ng kapulisan

Malaking hamon umano sa hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang mga nangyaring patayan at nagaganap na Robbery Holdap sa ibat-ibang lugar sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Administrator Raffy Baraan, kadalasan ang mga suspek sa mga nangyayaring krimen sa lalawigan ay mula pa sa ibang lugar.

Binigyan diin ni Baraan na ang Pangasinan ay lugar para sa sumusulong na turismo at negosyo kayat ang nagyayaring Krimen ay banta sa seguridad ng Publiko.

Iginiit pa ng Opisyal na dapat mas lalong paigtingin ng kapulisan ang kanilang pagbabantay upang maiwasan at hindi na maulit ang ganitong uri ng mga karahasan.

Speak Your Mind

*