Mga palaisdaan sa Western Pangasinan, minomonitor parin

Mahigpit paring minomonitor ngayon ang mga palaisdaan sa Western Pangasinan partikular sa bayan ng Bolinao dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Ayon kay Bolinao Agriculturist Carolina Ramirez, pinangangambahan nilang magdulot ng paggataw o fishkill ang mababang desolved oxygen dulot ng ala-al o biglaang pag-ulan sa hapon o gabi.

Dahil dito, araw-araw umanong minomitor ng Agriculture Office ang mahigit apatnalibong ektaryang mga fishpond ganun din ang mga istruktura sa dagat ng mga fishpen.

Idinagdag pa ni Ramirez na mahalaga rin ang ipinapatupad nilang pre-emptive meassure tulad ng early harvest upang maiwasan ang pagkalugi ng mga mangingisda.

Speak Your Mind

*