Mga pumapasok na karne at frozen meat sa Dagupan, mahigpit na minomonitor

Mahigpit nang minomonitor ng National Meat Inspection Service o NMIS Region 1 ang mga ipinapasok na mga sariwang karne at mga frozen meat sa Dagupan City.

Ito ay upang matiyak na sumusunod ang mga may-ari nito sa pagkuha ng mga kaukulang dokumento para sa kaligtasan ng publiko.

Kasabay nito, pinayuhan ni NMIS Regional Director Dario Bonifacio Carillas ang mga mamimili na tangkilikin lamang ang mga karneng may mga kaukulang papeles at dumaan at nakapasa sa pagsusuri ng meat inspection.

Dapat umanong maging mapanuri sa pagpili ng mga bibilhing mga produktong karne upang maiwasang maloko at malayo sa peligro lalo na kung kalusugan ang pinag-uusapan.

Speak Your Mind

*