Mga raliyista sa Brazil, ‘di raw papayagang matuloy ang World Cup

Patuloy na minamadali ng Brazil ang paglalagay ng mga upuan sa stadiums bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng 2014 FIFA World Cup!

Napag-alamang gumastos ang pamahalaan ng aabot sa labing isang bilyong dolyar na labis na kinokondena ng maraming Brazilians!

Kaya naman nangangamba ang marami na posibleng mauwi sa karahasan ang opisyal na pagsisimula ng World Cup tulad ng nangyari noong nakaraang taon nang ganapin naman ang Confederations Cup.

Giit ng publiko, ‘di dapat naglaan ang pamahalaan ng ganoon kalaking halaga para sa world cup dahil mas dapat nitong intindihin ang social programs ng kanilang bansa!

Nauna nang nagbanta ang mga raliyista na hindi sila papayag na matuloy ang 2014 FIFA World Cup sa darating na adose ng Hunyo!.

Speak Your Mind

*