Mga rice retailer sa Pangasinan, umaangal sa kakapusan sa suplay ng NFA Rice

Umaangal na ang mga Rice retailer sa lalawigan ng Pangasinan sa kakulangan ng suplay ng NFA Rice.

Ito ay dahil mas mabili at mas madaling maubos umano ang NFA Rice sa pamilihan dahil sa mahal na presyo ng mga Commercial Rice.

Ayon naman kay NFA Western Pangasinan Manager Rolando Rufo na inaasahan na nila na mas madaling maubos ang NFA Rice sa mga pamilihan dahil sa mababang presyo nito na umaabot lang sa P27 hanggang P32 kada kilo.

Nilinaw naman ng opisyal na nananatiling ayuda lamang ang NFA Rice upang mabalance ang presyo ng commercial rice sa merkado.

Pinabulaanan din nito na nagkukulang ang kanilang suplay dahil nakaplano na ito, at naaayon ito sa kanilang stock ng bigas.

Speak Your Mind

*