Mga sakit na nakukuha sa unhealthy lifestyle, mas nakaka-alarma ayon sa CHO San Carlos

Mas nakaka-alarma pa umano ngayon ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa mga sakit dulot ng unhealthy lifestyle kaysa sa kinatatakutang sakit na dengue.

Ito ang iginiit ni san Carlos City Health Officer Dr. Edwin Quinto,  kung saan sa lungsod ng San Carlos ay umabot na sa pitumpong porsyento  ang naitatalang namamatay dahil sa sakit na hypertension.

Ayon pa kay Quinto, mas marami ang namamatay sa sakit na hypertension hindi lang sa San Carlos City kundi sa buong bansa, dahil sa walang tigil na paninigarilyo kumpara sa sakit dulot ng dengue virus.

Ipinaliwanag pa ni Quinto na ang sakit na dengue ay madali lamang masulosyunan sa pamamagitan ng pagpuksa sa lamok na nagdadala ng dengue virus kumpara sa unhealthy lifestyle na mahabang panahon ang kailangang gamutan.

Speak Your Mind

*