Mga tindera ng longganisa sa Villasis, umaangal na sa mataas na presyo ng bawang

Umaangal na rin ang mga tindera ng longganisa sa Bagsakan Market sa bayan ng Villasis, Pangasinan dahil sa mataas ng presyo ng produktong bawang.

Ayon sa ilang mga tindera, apektado ang kanilang kita dahil kailangan nilang magdagdag ng puhunan dahil sa bawang na pangunahing sangkap sa paggawa ng longganisa.

Dagdag pa ng mga negosyante, kung kulang umano ang sangkap ng bawang ay baka wala ng bumili dahil mas gusto umano ng mga mamimili ang longganisa ng maraming bawang.

Sa ngayon, nananatili naman sa P220 kada kilo parin ang longganisa na kanilang benta kahit na nagmahal ang sangkap  nitong bawang.

Speak Your Mind

*