MHU Aguilar, patuloy sa pagbibigay kaalaman sa sakit ng dengue

Tuloy-tuloy ang isinasagawang seminar ng Municipal Health Office ng bayan ng Aguilar, Pangasinan sa kanilang mga kababayan hinggil sa sakit na dengue.

Ayon kay Brenda Rivera, Medical Technologist ng nasabing MHU, sinasamantala nila ang pagdagsa ng mga tao sa health center upang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa nakamamatay na sakit na dengue.

Ayon kay Rivera, umaabot sa animnapung residente ang nagtutungo sa health office araw-araw upang magpakonsulta, na siyang pagkakataon upang ipaalala ang mga ito ng tamang paraan upang makaiiwas sa dengue.

Kabilang aniya sa kanilang itinuturo ang paglilinis sa kapaligiran partikular na sa mga nai-stock na tubig sa mga kanal at mga container na malimit pamugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Speak Your Mind

*