Miami Heat Coach Eric Spoelstra, ‘Di na ikinagulat pa ang pagpasok ni Manny Pacquiao sa PBA

Hindi na ikinagulat pa ng marami nang ituloy ni Manny Pacquiao ang noo’y pinaplano pa lamang niyang pagpasok sa Philippine Basketball Association.

Opisyal nang Head Coach ng Team KIA ang WBO Welterweight Champion na si Pacquiao.

Dahil sa panibagong tungkuling pinasok ni Pacquiao na daragdag pa sa mga Responsibilidad na meron siya ngayon ay marami ang nag-iisip kung makakaya niya itong pagsabay-sabayin.

Isa si Miami Heat Head Coach Eric Spoelstra sa mga hindi na nagulat pa sa naging desisyon ni Pacquiao nang akuin nito ang pagiging Head Coach ng Team Kia.

Napag-alaman na pina-planong pumunta ni Spoelstra sa Pilipinas ngayong taon at kung sakaling matuloy ito ay tiyak na magkikita ang dalawang Pilipinong Basketball Coach.

Speak Your Mind

*