Mini-jobs fair ng PESO Lingayen, aarangkada bukas

Isasagawa bukas, araw ng biyernes, ang isang Mini-Jobs Fair sa tanggapan ng Provincial Employment Service Office (PESO) na matatagpuan sa Alvear Street East, Capitol Complex sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Alex Ferrer, ang PESO Manager, isang grupo ng Saudi Arabian Employer ang darating bukas, June 20, para magsagawa ng final interview sa mga interesadong aplikante.

Ang nasabing aktibidad ay magsisimula sa oras ng alas syete ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi.

Pinapayuhan ni Ferrer ang mga aplikante na dalhin ang lahat ng mga kailangang requirements para sa mas mabilis na proseso ng nasabing recruitment activity.

Speak Your Mind

*