MMDA nanawagan sa mga may-ari ng restoran na itigil ang pagtatapon ng kanilang mga dumi

Dapat nang itigil ng mga may-ari ng mga restoran ang pagtatapon ng kanilang mga dumi sa mga daluyan ng tubig.

Ito ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay sa dahilang nagdudulot ito ng pagbabara at pagbabaha lalo na ngayong tag-ulan.

Sinabi ni MMDA General Manager Emerson Carlos na malaki rin ang ambag ng mga untreated water tulad ng tubig na may halong mantika sa pagbabaha.

Napapabagal aniya nito ang pagdaloy ng tubig sa mga daluyan at nagiging sanhi rin ng pagdidikit-dikit ng mga basura.

Ginawa ng mmda ang panawagan kasabay ng bagong kampanya nito na paglilinis sa ilog pasig.

Speak Your Mind

*