Monitoring ng Sanitary Inspector sa mga paaralan sa Pangasinan, patuloy na isinasagawa.

Patuloy ang isinasagawang monitoring ng Sanitary Inspector ng Provincial Health Office sa mga paaralan sa lalawigan ng Pangasinan upang mabantayan at matiyak ang kalinisan ng kanilang mga kantina.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Marie De Guzman, kaisa rin sa mga nagsasagawa ng inspection ang mga sanitary inspector sa bawat Bayan at Lungsod sa Lalawigan.

Sinabi pa ni De Guzman na target nila na mapangalagaan ang kulusugan ng mga estudyante kayat tinitiyak nilang mayroong Health Permit ang mga School Canteen, ligtas ang mga pagkaing ibibenta at may malinis na pinagkukunan ng tubig na ginagamit sa mga kantina.

Inaasahan naman na bagong matapos ang linggo ay makapagpapalabas na report ang Provincial Sanitary Inspector sa kanilang isinagawang Random Check-up sa mga paaraalan.

Speak Your Mind

*