Motibo ng Tsina sa pagsali nito sa Naval Exercise ng Amerika, ‘Wag na raw Kwestiyunin

‘Di na dapat pang kinu-kwestiyon ang umano’y motibo ng China sa paglahok nito sa Naval Exercise ng Amerika.

Ito ang iginiit ni Muntinlupa City Lone District Representative Rodolfo ‘Pong’ Biazon sa DZAR Sonshine Radio.

Ayon kay Biazon, maganda ang naging desisyon ng Tsina na sumali sa malawakang pagsasanay ng mga Hukbong-Pandagat na pangungunahan ng Amerika ngayong Abente Sais ng Hunyo.

Dagdag pa ni Biazon, mas dapat na pagtuunan ng pansin ang mga magagandang Development sa pag-resolba ng isyu sa agawan ng Teritoryo sa halip na pagpapa-iral ng mga negatibong saloobin.

Speak Your Mind

*