Multi-Agency Approach, kailangan ng Pangasinan Pnp para maiwasan ang Juvenile Deliquency

Kailangan umano ng isang Multi-Agency Approach para maiwasan ang Juvenile Delinquency sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa tumataas na bilang ng mga youth offenders na naaresto ng Pangasinan PNP.

Ayon kay Senior Supt. Sterling Raymond Blanco, Officer-in-Charge ng Provincial Police Office (PPO), ang nasabing problema ay isang multi-agency concern na dapat magsimula sa tahanan at eskwelahan kayat para maiwasan ang ganitong kaso kailangan ng kooperasyon ng Department of Social Welfare (DSWD) at Department of Education (DepEd).

Batay sa tala ng PPO, limamput limang Children In-Conflict with the Law (CICL) ang naitala nito sa unang limang buwan ngayong taon at karamihan sa mga kaso dito ay pagnanakaw at panggagahasa.

Sa ngayon ay isinasagawa ng Police Provincial Office ang Information Dissemination sa mga eskwelahan kaugnay sa ilegal na droga kung sa ipinapakita sa mga estudyante ang mga bagay na hindi dapat hawakan, tikman at ibenta.

Speak Your Mind

*