Municipal Blood Council, binuo sa bayan ng Sta. Barbara

Isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan ang ordinansa ng tumutukoy sa paglikha ng Municipal Blood Council.

Target ng ordinansa na kada tatlong buwan ay magkaroon ng blood letting activity sa bayan upang makalikom ng mas maraming dugo sa Blood Bank at Red Cross na magagamit ng mga residente sa oras ng pangangailangan.

Ayon kay Sta. Barbara Vice Mayor Dr. Emanuel Cabangon, kaugnay din ito sa binuong Municipal Dengue Brigade para masigurong mabibigyan ng agarang konsultasyon ang mga dengue patient.

Ipinaliwanag pa ni Cabangon na layunin ng Municipal Blood Council na tuluyan ng mabawasan ang palaganap ng dengue cases sa bayan dahil sapat ang kanilang stock ng dugo na pangunahing kailangan kung affected ng dengue ang isang pasyente.

Samantala, nakatakda na ang Municipal Wide Blood Letting sa Sta. Barbara sa darating ng a-bente sais ng Hunyo.

Speak Your Mind

*