Nagsabi na natugunan na ang kakulangan ng silid-aralan sa bansa, dapat panagutin

Dapat na papanagutin ang sinumang nagsabi na natugunan na ng administrasyong aquino ang kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa!

Sinabi ni Kabataan Partylist Rep. TERRY RIDON na sinungaling ang Department of Education nang sabihin nitong wala na nang shortage o kakulangan sa mga silid-aralan partikular na sa mga lalawigang sinalanta ng bagyong Yolanda.

Dagdag pa ni Ridon, dapat ay maaga pang inilabas ng pamahalaan ang pondo para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan at hindi ‘yung sa mismong araw na ng klase.

Una rito, binigyan ng bagsak na grado ni Ridon si Pangulong Aquino kung pagbabatayan ang sitwasyon ng unang araw ng pasukan sa buong bansa.

Speak Your Mind

*