Nahuling suspek sa pagpaslang kay Balolong, positibong kinilala ng isang testigo

Positibong kinilala ng isang testigo ang umano’y suspek sa pagpaslang kamakailan kay Mayor Ernesto Balolong Jr, ng bayan ng Urbiztondo dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa report ni Police Senior Supt. Sterling Raymund Blanco, ng Pangasinan PNP, ang mga naturang suspek ay sina Eduardo de Guzman Soriano alyas “Gading”, at Mario “Mar” Sarmiento Perez, isang radiator mechanic pawang residente ng bayan ng Bugallon.

Naabutan umano ng PNP ang mga naturang suspek sa hot pursuit operation gamit ang motorsiklo na gamit ng isa pang suspek na nagsilbing look out ng mga salarin.

Samantala, hindi umano ihaharap sa media ang mga nasabing suspek upang hindi malabag ang kanilang karapatang pantao.

Speak Your Mind

*