Nahuling suspek sa pagpatay kay Mayor Balolong, posibleng masampahan na ng kaso ngayong araw

Inasahang naisampa na ngayong araw ang kaso sa mga mahuling suspect sa pagpaslang kay Mayor Ernesto Balolong Jr, ng bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Ang nahuling mga suspek na sina Eduardo de Guzman, alias Gading, at Mario “Mar” Sarmiento, kapwa residente ng bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Ayon kay Police Information Officer P/Supt. Ryan Manongdo, ng Pangasinan PNP, malaki ang maitutulong ng testimonya ng mga nakaligtas sa pamamaril dahil  posibleng sila ang makapagsasabi ng kaugnay ng dalawang suspek sa krimen.

Sa ngayon, sinabi naman ni Manongdo na hindi masabi ng PNP ang motibo sa pagpatay kay Mayor Balolong, dahil posibleng malihis sa kanilang isinasagawang imbestigasyon lalo’t ang dating alkalde ay isa ring negosyante.

Speak Your Mind

*