Naitatalang kaso ng illegal drug sa Region 1, hindi pa umano nakakabahala ayon sa PDEA

Nananatiling nasa ika-labing apat na puwesto lamang ang rehiyong uno sa may pinakamataas na kaso ang illegal drugs sa buong bansa ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.

Ayon kay PDEA Region 1 Director Adrian Alvariño, bagamat palaging nababanggit ang lalawigan ng Pangasinan na may kaugnay sa iligal na droga ay hindi naman aniya ito maituturing na nakakabahala.

Ito ay dahil sa mahigit isang libong barangay sa lalawigan ng Pangasinan, siyam naput siyam lamang dito ang positibo sa iligal na droga

At tanging ang mga barangay ng Bonuan Binloc at Bonuan Gueset sa lungsod ng Dagupan ang nasa ilalim ng Category 1, kung saan na-classify ito bilang seriously affected ng illegal drugs.

Kabilang naman aniya ang mga ibang barangay sa Category 2 kung saan ito ang mga lugar na moderately affected ng illegal drugs habang ang Category 3 ay mga drug user lamang ang naitatala.

Sinabi pa ani Alvariño, na kabilang naman ng Pangasinan ang lalawigan ng La Union sa may mataas ng bilang sa iligal na droga, habang ang lalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur ang may pinakamababang naitatala.

Speak Your Mind

*