Pangulong Aquino at Japanese Prime Minister Shinzo Abe, magpupulong sa pagtungo ni Pnoy sa Japan

Makikipagpulong si Pangulong Aquino kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kaniyang pagtungo sa Japan.

Sinabi ni Presidential comMunications Sec. Herminio Coloma na babiyahe sa Japan ang Pangulo sa darating na June 24.

Magbibigay aniya ng keynote speech si Pangulong Aquino sa Japan International cooperatIon Agency (JICA) International confeRence sa Hiroshima.

Ayon kay Coloma, bago tumungo ng Hiroshima ay makikipagpulong muna ang Pangulo kay Abe sa Official Residence nito sa Tokyo.

Agad din aniyang babalik ng bansa ang Pangulo pagkatapos ng kaniyang mga aktibidad.

Speak Your Mind

*