News Publication, ilulunsad ng OCD bilang pagpapalakas ng ugnayan sa Media

Nakatakda nang ilunsad ng Office of Civil Defense o OCD Region 1 ang kanilang sariling News Publication o News Letters sa darating na Buwan ng Hulyo.

Ayon kay Public Information Officer Renzie  Ivan Costales ng OCD Region 1 ang programang ito ay bahagi sa selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month na makakatulong upang mapalawak ang Disaster Awareness ng Publiko.

Bahagi rin ani Costales sa ilulunsad nilang News Publication ang malakas at mabilis na ugnayan ng OCD at Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa mga Media.

Samantala, inihayag ni Costales ang naka linyang aktibidad sa National Disaster Consciousness Month sa Hulyo kabilang na ang Funrun, poster making contest, at ibat-ibang Information, Education, Communication Campaign.

Speak Your Mind

*