NFA Eastern Pangasinan, todo bantay na sa mga negosyanteng posibleng mananamantala

Mahigpit ng binabantayan ng National Food Authority (NFA) Eastern Pangasinan ang mga negosyante sa lalawigan ng Pangasinan na posibleng magsagawa ng pananamantala sa mga mamimili.

Sinabi ni Dionesio Rivera, Assistant Manager ng NFA Eastern Pangasinan na bumuo na sila ng team na mag-iikot sa mga pamilihan sa Pangasinan upang magmonitor sa mga posibleng mag-over pricing at hoarding.

Mahigpit din umanong sisiyasatin ng grupo ang mga accredited ng NFA rice kung paano sila magbenta at nasusunod ba ang ipinapatupad na price selling na dapat ay nasa P27 hanggang P32 kada kilo lamang.

Kasabay nito, tiniyak naman ng NFA Eastern Pangasinan na sakabila ng nararanasan mataas na presyo ng bigas ay sapat pa naman ang suplay nito.

Speak Your Mind

*