NFA Western Pangasinan, tama at naaayon umano sa kanilang pagtaya ang mga inaangkat na bigas

Tama at naaayon umano sa pagtaya ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan ang mga inaangkat na bigas mula sa ibang bansa para sa pangangailangan ng lalawigan ng Pangasinan.

Ang hakbang na ito ay upang maiwasan umano ng ahensya na mabulukan ng stock na bigas sa kanilang mga warehouse.

Inihayag ito ni NFA Assistant Manager Juliet Orias, ng NFA Western Pangasinan kasunod ng pagdating ng mga bigas mula Vietnam bilang paghahanda sa posibleng kakulangan ng supply ng bigas dahil sa pagsapit ng lean months.

Nabatid na mahigit pitumpong libong sako ng bigas na inangkat ng nfa sa bansang Vietnam ang mangangamoy at hindi na maaaring kainin matapos sumadsad at napasukan ng tubig ang barkong pinagkargahan nito bago pa naman makadaong sa pantalan sa San Fernando, lalawigan ng La Union.

Speak Your Mind

*