NFA Western Pangasinan, tiniyak na walang magiging paggalaw sa presyo ng NFA rice

Tiniyak ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na hindi gagalaw ang presyo ng NFA rice sa merkado kahit pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Sa ngayon nananatiling nasa P27 hanggang P32 kada kilo ang presyo ng NFA rice sa mga pamilihan.

Tiniyak din ni NFA Asst. Manager Juliet Olias, na malabo ring magkulang sa suplay ng NFA rice sa Western Pangasinan dahil sa bagong angkat na 300,060 sako ng bigas para sa 2nd quarter ngayon taon.

At kahit na itinuturing na limitado ang suplay ng bigas ngayon lean month, sinabi ni Olias na marami namang maaaring pagkuhaan ng suplay ng bigas.

Samantala, kulang sa dalawandaang outlet ng NFA ang binuksan sa Western Pangasinan para sa mga negosyanteng gustong mamuhunan ng NFA rice.

Speak Your Mind

*