Ninong at Ninang sa binyag ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, kumpleto na

Kumpleto na ang listahan ng magiging ninong at ninang sa binyag ni Zion, ang panganay na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na nakatakda ang binyag ngayong third week ng June.

Magiging ninang sina Marian Rivera at Angel Locsin na parehong naging leading ladies ni Richard sa mga Pelikula at Teleserye, ninang din si Bela Padilla na close friend ni Sarah at si Mrs. Lily Monteverde, ang producer ng Regal Entertain­ment Inc. na close family friend ng mga Gutierrez.

Mga ninong naman ni Zion sina Boss Vic Del Rosario at Carlo J. Caparas, ang film outfit ni Carlo ang nag­bigay kay Richard ng unang pelikula noong child star pa lamang ang aktor.

Nasa listahan din sina Cebu City Mayor Mike Rama, Aga Muhlach, James Yap at Kris Aquino bilang Godparents ng anak nina Sarah at Richard.

Speak Your Mind

*