Notices of Disallowance sa mga dawit sa Pork Barrel Scam, dapat nang maglabas

Dapat nang maglabas ang Commission on Audit (COA) ng Notices of Disallowance sa mga mambabatas, Opisyal ng Gobyerno at mga non-government organization na dawit sa Pork Barrel Scam.

Ito ang iginiit nina dating Manila Councilor Greco Belgica, Reuben Abante, Jose Gonzalez at Quintin Paredes San Diego.

Dahil dito, hiniling ng mga ito sa Korte Suprema na atasan ang COA na maglabas ng Notices of Disallowance na  aabot sa mahigit anim na Bilyong piso ang halaga.

Kabilang na anila sa nasabing halaga ang nalustay na Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2007 hanggang 2009.

Layunin ng hakbang ng grupo ng mga Anti-corruption advocate na mabawi ang nalustay na pondo ng gobyerno.

 

Speak Your Mind

*