Offsite Registration, magpapataas ng voters registration ng Dagupan

Inaasahang magpapataas sa bilang ng voters registration and validation sa lungosod ng Dagupan ang isasagawang Offsite Registration ng Commission on Election o Comelec Dagupan.

Una rito, nananatiling nasa siyamnaraan animnaput anim (966) pa lamang ang nagpapatala sa Comelec para sa nasabing registration mababa kumpara sa bilang dalawamput pitong libo (27,000) botante na kailangan nilang maitala.

Ayon kay Comelec Officer Atty. Ericson Oganiza, sisimulan nila ang Offsite Registration sa lungsod ng Dagupan sa darating na Hulyo a-dos ngayong taon alinsunod narin sa mapapagkasunduan ng mga Brgy. Officials.

Dagdag pa ni Oganiza, posibleng abutin ng hanggang Septyembre ang unang arangkada ng kanilang offsite registration depende sa dami ng mga botante sa kada barangay.

Sa ngayon nakahanda na ang mga kakailangan mga papel kabilang na ang mga voters list matapos itong mabasa kamakailan bunsod ng sunod-sunod na pag-uulan na ikinasira ng kanilang bubong.

Speak Your Mind

*