Oplan balik eskuwela ng San Jacinto PNP, matagumpay

Ikinatuwa ng San Jacinto PNP, ang mapayapang unang linggo ng kanilang Oplan balik eskuwela.

Ayon kay PIO PC/Insp. Juan Magay ng San Jacinto PNP, naitala nila ang zero untoward insident sa unang linggo ng pagbabalik eskuwela ang mga estudyante.

Ganunpaman, sinabi ni Magay, na patuloy parin ang kanilang pagbibigay seguridad sa mamamayan lalo na sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang paaralan sa bayan.

Prayoridad na umano dito ang mga paaralan malapit sa highway sa pamamagitan ng pag-ayuda sa trapiko upang maiwasan ang hindi inaasahang aksidente sa mga mag-aaral.

Speak Your Mind

*