Ordinansang magbibigay proteksyon sa Balungao Hilltop Adventure, ikinasa

Ikinakasa ngayon ng Sanguniang Bayan ng Balungao, Pangasinan ang ordinansang magbibigay proteksyon sa investment ng bayan ang kanilang Balungao Hilltop Adventure.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, hindi papayagang makapagtayo ng anumang negosyo na may kaugnayan sa livestock at poultry raising tatlong kilometro palapit sa Balungao Hilltop Adventure.

Ayon kay Vice Mayor Minda Peralta, layunin nito na maiwasan ang pangit na imahe at masangsang na amoy na maaring makaapekto sa mga turistang dadagsa sa lugar.

Idinagdag naman ni Vice Mayor Peralta, na bukas naman ang lokal na pamahalaan sa mga magnanais magtayo ng hotel and restaurant malapit sa Balungao Hilltop Adventure dahil malaki ang maitutulong nito sa pagsulong pa ng turismo ng Balungao.

Speak Your Mind

*