Pag-iikot sa mga paaralan ng Dagupan, isinagawa ng CHO

Pinaikot ng City Health Office (CHO) Dagupan ang kanilang Sanitary team sa lahat ng mga paaralan sa lungsod upang ma-check ang mga pasilidad na posibleng  pagmulan ng sakit ng mga estudyante.

Kaugnay ito sa pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral na nataong kasabay sa pagpasok ng tag-ulan na pangunahing banta sa kalusugan ng mga bata.

Ayon kay CHO Officer Dr. Leonard Carbonell, una nilang isinagawa ang water sampling, inspection sa sanitary facility, at school canteen.

Ngunit mas tinututukan ani Carbonell ang pagdami ngayon ng mga ambulant vendor malapit sa eskuwelahan dahil walang katiyakan kung malinis ang mga pagkaing mabibili dito.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na umano sa CHO sa pamunuan ng mga paaralan na paigtingin nila ang paghikayat ng mga mag-aaral na sa school canteen na bumili ng pagkain.

Speak Your Mind

*