Pag-iisang dibdib sa kalagitnaan ng pagdadalamhati, isinagawa sa bayan ng Urbiztondo

Walang nakapigil sa pag-iisang dibdib nina Councilor Volter Balolong at ng girlfriend nitong si Angela Arce.

Ito’y kahit nagdadalamhati ang pamilya Balolong sa pagkakapaslang ng kanilang ama na si Mayor Ernesto Balolong Jr noong sabado sa mismong terminal ng isang bus sa bayan ng Urbiztondo habang iniaayos ang gagamitin sa naturang kasalan nilang mag-aama.

Nauwi sa simple at malungkot ang sana’y mala engrandeng kasalan ng dalawa kasabay ng silver wedding naman ng kanilang magulang.

Samantala, batid sa mukha ng mga taga Urbiztondo ang takot at nagmistulang ghost town ang naturang bayan noong araw ng linggo dala ng krimen na kumitil sa buhay ng tatlong katao kasama na si Mayor Ernesto Balolong Jr.

Speak Your Mind

*