Pag-tatago ng barya ng barya bawal na?

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara angĀ  isang panukalang Batas na nagbabawal sa Pagho-hoard o Pag-tatago ng Barya.

Sa ilalim ng House Bill 4411 ni Batangas Rep. SONNY Collantes, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa hoarding ng barya ay makukulong ng walong taon at pagmumultahin ng 300,000-piso.

Hindi naman sakop ng panukala ang mga Charitable Institutions, Pribadong Bangko, Financial Institutions at mga ahensiya ng Gobyerno.

Maaari ring i-exempt ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa parusa ang mga retail business o mga sari-sari store.

Subalit kailangang tiyakin na hindi sobra-sobra sa pangangailangan ng tindahan ang iniimbak nitong barya.

Speak Your Mind

*