Pagbabalik ng mga ninakaw na yaman ni Janet Lim-Napoles, hindi pa napapanahon

Hindi pa napapanahong pag-usapan ang pagbabalik ng mga ninakaw na yaman ni Janet Lim-Napoles.

 Ito ang inihayag ni dating Justice Secretary at ngayo’y 1BAP Partylist Represenative Sylvestre Bebot Bello III.

Ani Bello, masyado pang maaga para ibalik ni Napoles ang mga nasamsam nitong yaman mula sa kaban ng bayan, lalo na’t nagpapatuloy pa ang pagdinig sa kaso.

Naniniwala si Bello na ginagawa lamang na excuse ni Napoles sa batas ang hirit ng kampo nitong pagbabalik sa mga ninakaw niya mula sa pork barrel kapalit ng pagiging state witness niya sa kaso.

Sakaling katigan ang hirit na pagiging state witness ni Napoles ay magkakaroon siya ng immunity sa mga kasong kinakaharap niya.

Speak Your Mind

*