Pagbabawal ng mga Junk Food sa mga School Canteen, ipinaalala ng Malakanyang

Ipinaalala ng Malacañang sa lahat ng mga School Officials sa bansa na tiyaking walang junk food tulad ng sitsirya, soft drinks at iba pa na ibinebenta sa kanilang canteen.

Ginawa ni Presidential Communication Operation Office (PCOO) Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. Ang nasabing paalala dahil bukod sa tiyaking makapag-aral ang mga bata ay mapanga­lagaan din ang kalusugan ng mga ito.

Gayunpaman, hindi sinabi ni coloma kung ano ang magiging kaparusahan ng mga school officials na mahuhuling nagbebenta ng Junk Food sa kanilang mga Estudyante.

Binigyan-diin ni Coloma na kailangang Nutrient-rich food lamang umano tulad ng Prutas, Gulay at mga fortified products lamang ang dapat ibenta sa lahat ng School Canteens sa buong bansa.

Speak Your Mind

*