Pagbibigay ng mga bags at rain coat ng LGU’s Bani, nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng school supplies, bag’s at rain coat ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Bani, Pangasinan sa mga grade school student ng bayan.

Ayon kay Bani Mayor Gwen Yamamoto, umaabot na sa isang libo animpaput walo ang naipamahaging mga bag’s habang isang libo isandaan limamput pitong mga rain coat ang naipamahagi sa mga mahihirap na estudyante sa elementarya.

Sinabi naman ni yamamoto na target na nilang isagawa ito taon-taon, kung saan ang pondong ginamit sa naturang proyekto ay mula sa sariling bulsa nila ni Vice Mayor Filipina Cruz Rivera.

Bagamat medyo huli na umano ang pamimigay ng naturang mga school supplies, maniniwala naman ang opisyal na malaking tulong parin ito sa mga magulang mga batang mag-aaral. (Jovelyn D.)

Speak Your Mind

*