Pagbuo ng Fraternity, mahigpit na ibinababala sa Pangasinan National High School

Kasabay ng pag welcome ni Pangasinan National High School Principal na si Florante S. Tamondong sa mga studyante ng naturang eskwelahan, ay binalaan din niya ang mga ito na huwag buuin muli ang fraternity.

Ayon kay Tamondong ito kasi ang dahilan ng gulo sa loob at labas ng eskwelahan na madalas nangyayari sa pagitan ng magkakaibang grupo.

Dagdag pa ni Principal Tamondong na aayusin ang Close Circuit Television o CCTV camera na naka lagay sa loob ng Pangasinan National High School upang mamonitor ang galaw ng mga studyante at mga bisita.

Sinabi pa ni Principal Tamondong na tuloy-tuloy  na ang regular na ang klase ng mga studyante at patuloy pa ring tumatanggap ng mga enrolees.

Speak Your Mind

*