Pagdadawit sa mga Binay sa isyu ng Pork Barrel scam, pinabulaanan

Itinanggi ng Malacañang na may kinalaman ito sa pagdadawit sa mga Binay sa isyu ng Pork Barrel scam.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., wala silang alam sa nasabing usapin.

Ginawa ni Coloma ang pahayag nang tanungin ukol sa pagtuturo sa palasyo na nasa likod ng pagkakaladkad sa mga Binay sa pork barrel issue.

Una nang kinukuwestyon ang Pork Barrel Fund ni Makati Rep. Abby Binay na inilagak umano sa isang foundation sa Makati City.

Subalit ayon kay Coloma, hindi sila pamilyar sa isyung ito kaya’t tumanggi itong magbigay ng komento.

Speak Your Mind

*