Pagkasira ng Payao na pag-aari ng Dagupan City Government, sinabotahe umano

Sinabotahe umano ang inilagay na Payao sa baybaying bahagi ng isla ng Brgy. Pugaro kung saan intensyonal o sinadyang pinutol ang isang tali nito kaya tuluyan nang nakawala ang nasabing fishing device at tuluyan na itong nasira.

Ayon kay Ador Bancod, ang Barangay Chairman ng Pugaro, palutang-lutang na lang ngayon ang nasabing payao sa karagatang malapit na sa bayan ng Lingayen.

Ang nasabing “Payao” ay donasyon ng Regional Office ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong buwan ng Marso ngayong at malaking tulong ito sa mga maliliit na mangingisda sa lugar dahil hindi sila kailangang pumalaot pa para mangisda.

Ang “Payao” ay isang Artificial Coral Reef na pinapangasiwaan ng City Agriculture’s Office kung saan dito nananahan ang mga isda na maaaring hulihin ng mga fishermen.

Speak Your Mind

*