Pagpapalago ng industriya ng Cacao sa Pangasinan, isinusulong

Isinusulong ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang produktong Cacao o Cocoa dahil sa makikitang mataas ng demand nito sa merkado.

Una nang isinagawang Oath Taking Ceremony ng bagong tatag na Cacao and Coffee Growers Association, Inc. Pangasinan Chapter, kung saan ginanap ang seremonya sa Governor’s Office sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Conrado Soriano, ang pinuno ng nasabing grupo mula sa bayan ng Mangaldan, hinihikayat nito ang mga ibang magsasaka na magtanim ng cacao dahil mataas umano ang demand ng produktong cacao sa Pilipinas kaya pinapalakas nito ang kanyang taniman ng Cacao sa bayan ng Mangaldan at sa bayan ng Dasol, Pangasinan.

Todo suporta naman si Gov. Espino sa bagong development na makapagpapa-usbong sa agrikultura ng probinsya at siguradong makakatulong ito na makapagbigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka.

Speak Your Mind

*