Pagpapalit ng Citizenship ni Wesley So, Pinal na!; kapos na pondo para sa mga Atletang Pilipino, inamin ng Pamahalaan

Dismayado si National Chess Federation of the Philippines Vice President Cong. Neri Colmenares sa hakbang ni Chess Grandmaster Wesley So na talikuran ang pagka-Pilipino nito kapalit ng pagiging isang U-S Citizen.

Nauna nang sinabi ni So na nag-desisyon na siyang isuko ang kanyang pagiging Pilipino para makamit ang inaasam niyang maging World Chess Champion.

Noong nakaraang taon ay sumulat na si So kay sa NCFP para hilinging payagan siya na magpalit ng Citizenship o Nasyonalidad.

Ayon kay Colmenares, nakaka-panghinayang kung matutuloy ang hiling na paglipat ni So dahil malaki na ang naiambag nito sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*