Pagpasok ng Tag-ulan, Posibleng ideklara na ngayong lingo

Posibleng ideklara na ngayong linggo ng pag-asa ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Samuel Duran, Apat na sa mga istasyon na binabantayan ng PAGASA ang nasapul na ang Criteria na dami ng ulan.

Sa pamantayan ng Weather Bureau, Kailangang makapagtala ng hindi bababa sa 1 millimeter na pag-ulan at may kabuuang 25mm sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.

Samantala, binabantayan pa rin ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa hilaga ng bansa na malaking tulong para umigting pa ang Habagat o Southwest Monsoon, na magpapaulan sa bansa.

Speak Your Mind

*