Pagpili sa mga benepisyaryo ng Social Pension Program, dumadaan umano sa tamang proseso

Dumadaan umano sa tamang preseso ang pagpili sa mga indigent senior citizen na makakatanggap ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ito ang binigyang linaw ni DSWD Region 1 Public Information Officer Irene Cubangbang kung saan ang mga nasa edad pitumpot pitong taong gulang pataas ang makakatanggap ng naturang programa.

Iginiit ni Cubangbang na dumadaan sa mahigpit na pag-aaral ang isang senior citizen kung kabilang ito sa maituturing na mahihirap na pamilya, at kung may kamag-anak itong nagta-trabaho sa ibang bansa na tumululong sa kanya.

Idinagdag naman ni Cubangbang na ang mga nauna ng nakatanggap ng Social Pension ay muling sasalain upang malaman at makita kung umangat na ang antas ng kanilang pamumuhay.

Speak Your Mind

*