Pagtaas ng presyo ng bigas, normal lang ayon sa NFA Western Pangasinan

Aminado ang National Food Authority o Nfa Western Pangasinan na ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa limitadong supply nito sa merkado ngayong lean months.

Sa ngayon, nalalaro sa P39 hanggang P44 ang kada kilo ng Well Milled Rice, nasa p38 hanggang P42 ang kada kilo ng Regular Milled Rice at P42 hanggang P48 sa kada kilo ng Special Rice.

Sinabi naman ni NFA Western Pangasinan Manager Rolando Rufo na normal lang ang nasabing pagtaas ng presyo ng bigas at posibleng muling bumalik ang presyo nito sa buwan ng septembre na panahon naman ng anihan.

Sa ngayon, patuloy ang plano ng NFA Western Pangasinan na dagdagan ang kanilang NFA Rice kabilang na ang Nfa Well Milled Rice, sa mga bigasang bayan bilang pantapat sa Commercial Rice.

Speak Your Mind

*