Pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa dapat ipaliwanag

Pinagpapaliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Presidential Assistant on Food Security and Agri-cultural Modernization Francis “Kiko” Pangilinan sa mataas na presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay Colmenares, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng National Food Authority (NFA) na normal ang pagtaas ng dalawang piso kada kilo ng bigas dahil lean months na ngayon.

Idinagdag pa ng kongresista na wala ring dahilan para sa price increase dahil sinabi ng NFA na napaghandaan nila ang lean months sa pamamagitan ng importasyon.

Katunayan ay nag-angkat aniya ang NFA ng 800,000 hanggang isang milyong metriko tonelada ng bigas para lamang maging buffer stock sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Speak Your Mind

*