Pagtaas ng presyo ng Bigas sa merkado, hindi na umano dapat ikagulat

Hindi na dapat pang ikagulat ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado ngayon.

Ito ang naging reaksyon ni National Food Administration Spokesperson Rex Estoperez sa gitna ng dalawang pisong dagdag-singil sa kada kilo ng bigas simula ngayong araw.

Aniya, normal lang na tumataas ang presyo ng bigas pagdating ng Lean Months.

Nilinaw din niyang taun-taon naman ay may nagaganap na price adjustment o pagbabago sa presyuhan ng bigas sa buong bansa.

Dagdag pa ni Estoperez, pagdating naman ng harvest season o panahon ng anihan ay balikna sa normal ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Speak Your Mind

*